Abante Tonite Interactive

SSS kinalampag sa P1,000 pension hike

515

Nanawagan si Ba­yan Muna chairman Neri Colmenares sa Social Security System (SSS) na ibigay ang ikalawang bugso ng P1,000 pension increase sa Enero 2020.

Ito’y matapos ianunsyo ng SSS na maaari nang makuha ng mga pensioner ang kanilang 13th month benefit si­mula Disyembre 6.

“Sana naman ay ibigay na ng SSS ang P1,000 pension increase sa Enero dahil kailangang-kailangan na ito ng ating mga senior,” ani Colmenares.

Sinabi pa nito na ini­hain ng Bayan Muna ng Joint Resolution No. 1 para sa second tranche ng SSS pension hike pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ito ipinatutupad.

Batay sa Melbourne Mercer Global Pension Index (MMGPI) 2019, ang retirement income protocol ng Pilipinas ay nasa 43.7 sa 100.

Dito nalalagay ang Pilipinas sa fourth lo­west rank o ika-34 mula sa 37 bansa.

Nagbigay naman ang MMGPI ng ilang mga rekomendasyon para mapabuti ang pension system, kabilang dito ang pagtataas ng minimum le­vel of support para sa mga mahihirap na residente. (Lorraine Gamo)