Abante Tonite
Mabilis sa Balita

SSS kinasa pautang sa mga binagyo

0 128

Magbubukas ng calami­ty loan assistance program (CLAP) at pautang para sa pagpapaayos ng mga bahay ang Social Security System (SSS) simula Biyernes, E­nero 14, para sa kanilang mga miyembro na sinalanta ng bagyong ‘Odette’.

Sabi ni SSS President at Chief Executive Officer Aurora Ignacio, bubuksan ang pautang para sa mga miyembro nila na nakatira sa Mimaropa, Western Visayas, Central Visayas, Eastern Visayas, Northern Mindanao, Caraga at iba pang lugar na dineklarang nasa state of calamity ng National Disaster Risk Reduction and Management Council dahil sa bagyo.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ayon sa SSS, ang mga pensioner nila na apek­tado ng bagyo ay maaari ring mag-advance ng tatlong buwan na pensiyon.

Ang CLAP at advance na pensiyon ay bubuksan hanggang Abril 13, 2022 samantalang hanggang isang taon bukas ang pautang para sa pagpapaayos ng mga bahay. (Eileen Mencias)

Leave A Reply

Your email address will not be published.