Abante Tonite
Mabilis sa Balita

SSS kinonsensya mga cong

0 45

Mistulang kinonsensiya ng pamunuan ng Social Security System (SSS) ang mga mambabatas sa Kamara kapag ipinagpaliban ang nakatakdang pagtataas ng buwanang kontribusyon ng mga miyembro nito.

Sa pagdinig ng House committee on public accounts, iginiit ni SSS president at chief executive officer Aurora Ignacio na malaking problema at hirap ang inaasahang idudulot sa ahensya oras na itinuloy ang pagpapaliban sa pagtaas ng SSS contribution.

“The position of the SSS is not to conform to the requested or the proposed deferment simply because it is going to be a threat to the solvency of the unfunded liabilities of SSS,” ayon kay Ignacio.

Iginiit pa nito na hihina ang kalagayang pinansiyal ng SSS kapag hindi itinaas ang kontribusyon ng mga miyembro nito. (Eralyn Prado)

Leave A Reply

Your email address will not be published.