Abante Tonite Interactive

SSS may calamity assistance sa Batanes

167

Inanunsyo ng Social Security System (SSS) na maaari nang makakuha ng calamity assistance package ang kanilang mga miyembro at pensioner na naapektuhan ng naganap na lindol sa Batanes noong nakaraang buwan.

Ayon kay SSS president at chief executive officer Aurora Ignacio, may nakalaan nang financial assistance sa kanilang mga miyembro at pensioner na naninirahan sa Batanes na naapektuhan ng lindol matapos aprubahan ng Social Security Commission (SSC) ang Resolution No. 550 S. 2019.

Paliwanag ni Ignacio, ipagkakaloob ang calamity assistance package sa kanilang mga miyembro at pensioner sa Batanes na isinailalim sa state of calamity ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) matapos ang naganap na lindol sa lalawigan.

Sa ilalim ng SSS Circular No. 2019-013, ang pension fund ay bukas sa Calamity Loan Assistance Program (CLAP), three-month advance pension at Direct House Repair o Improvement Loan sa mga apektadong miyembro at pensioner.

Maglalabas umano ang SSS ng mahigit P16.7 milyon para sa higit 1,600 miyembro nila sa pamamagitan ng CLAP. (Dolly Cabreza)