Abante Tonite
Mabilis sa Balita

SSS online parusa sa mga miyembro

0 122

Balik mano-mano ang transaksiyon ng ilang kababayan natin sa Social Security System (SSS) dahil sa mahigit isang buwan ng under website maintenance ang kanilang online service.

Sa halip na mapadali ang transaksiyon ay lalong bumagal at nadagdagan ang kalbaryo ng mga miyembro kung paano mapadali ang kanilang claims sa SSS.

Nakakaawa ang karanasan ng isang biyudang mag-claim sana sa benepisyo ng namatay na asawa dahil pinabalık- balık ito sa tanggapan ng SSS dahil ang una at ikalawang transaksiyon ay sumablay ito gamit ang kanilang online service.

Nasa mismong tanggapan na ng SSS ang biyuda pero sumablay pa rin ang transaksiyon at idinahilan umano ng nag-asiste sa kanya ay mahina kasi ang kanilang internet connection.

Ang daming palusot pero kung tutuusin ay trabaho ng kanilang Information Technology staff na siguraduhin ang maayos na sistema sa transaksiyon ng kanilang ahensiya.

Maging ang kanilang online service ay hindi pa rin magamit at mapakinabangan hanggang ngayon dahil under website maintenance pa rin simula noong nakalipas na buwan.

Hindi alam ng mga miyembrong nais mag-transact online kung kailan maayos at magagamit ang kanilang online service dahil hanggang ngayon ay wala namang abiso ang SSS sa kanilang mga miyembro kung ano na ang status na ng kanilang ginagawang website maintenance.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Makailang beses na ring nag-email ang ilang miyembro sa email addresses na ibinigay ng SSS pero wala namang sumasagot sa mga concerns ng mga miyembro.

Mayroon ding SSS hotline 1455 at text SSS 2600 pero wala namang tumutugon sa mga tawag at text. Naglolokohan lang ba tayo?

Hindi ko maubos maisip kung gaano ba ka-busy ang mga taga-SSS dahil wala man lang kahit isang tumugon o sumagot sa concern ng mga miyembro ngayong kung tutuusin ay malalaki ang sahod umano ng mga nakaupong opisyal ng mga ito , pero walang maibalik na magandang serbisyo.

Sabagay hindi nakapagtataka, dahil mismong sa main office ng SSS sa Quezon City ay hindi maayos ang sistema dahil hindi mahulugang karayom sa dami ng mga pumipila kahit madaling araw pa lamang.

Balita ko may sindikato umano diyan ng mga nagpapapila kapalıt ng pera, at hinahayaan diumano ito ng mga guwardiya ng ahensiya.

Kung sa pila pa lamang ay palpak na, kaya hindi nakapagtatakang hanggang sa online service nila ay palpak pa rin dahil napakatagal matapos ang website maintenance nila.

Ilang milyong miyembro ng SSS ang naghihintay na umayos ang serbisyo dahil marami ang may transaksiyon pero walang napala hanggang ngayon sa kanilang online service. Pakiusap lang po: Bilis-bilisan ang website maintenance para maibigay na ang tamang serbisyo.

Leave A Reply

Your email address will not be published.