Abante Tonite
Mabilis sa Balita

SSS taas kontribusyon hinarang ni Duterte

0 314

Nilagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang batas na magkakaloob sa kanya ng kapangyarihan para suspindehin ang pagtataas ng Social Security System (SSS) sa premium contribution ng kanilang mga miyembro ngayong taon.

Sa ilalim ng Republic Act No. 11548 na nilagdaan noong Miyerkoles ni Pangulong Duterte, magiging epektibo ang pagpapaliban ng SSS contribution hike sa panahon ng state of calamity dahil sa COVID-19 pandemya.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Inamiyendahan ng bagong batas ang Republic Act No. 11199 o Social Security Act kung saan pinapayagan ang Social Security Commission, ang governing body ng ahensiya, na magpatupad ng taas kontribusyon sa kanilang mga miyembro.

Base sa RA 111999, kada dalawang taon ay magpapatupad ng 1% dagdag kontribusyon sa bawat miyembro ng SSS, simula 2019 hanggang 2025. (PNA)

Leave A Reply

Your email address will not be published.