Abante Tonite
Mabilis sa Balita

St. Luke’s humirit ng libreng COVID vaccine kay Galvez

0 85

Kung may sobra pa sa Sinovac vaccine na gawang China, dapat gamitin ito sa pagbakuna sa mga health worker sa pribadong sektor, ayon kay Senador Joel Villanueva.

Kasunod ito ng ulat na humiling ang St. Luke’s Medical Center sa gobyerno ng 5,000 dose ng Sinovac vaccine, na pinamamahalaan ni vaccine czar Carlito Galvez Jr.para maturukan ang kanilang mga health worker at mga kawani.

“Kung hindi namimili ng biktima ang COVID-19, bakit po natin pipiliin kung sino at saang hospital worker ang dapat makakuha ng bakuna kaagad. Pribado man o pampublikong ospital sila nanggaling, basta’t nanggagamot ng kababayan natin at may sapat na supply, dapat bigyan ang nangangailangan,” ani Villanueva.

Sinabi din ni Senador Francis ‘Kiko’ Pangilinan na dapat unahing mabakunahan ang mga frontline health worker, nasa pampubliko o pribadong sektor man ang mga ito.

“Dapat lahat ng frontliners whether private or public dahil hindi naman pinipili ng virus kung public o private health worker ang magkakasakit,” ayon kay Pangilinan. (Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.