Abante Tonite Interactive

St. Luke’s, Makati med, Medical city, ayaw mahawa?

0 1,208

Nagpaabiso sa publiko ang tatlong malalaking hospital na hindi na muna sila tatanggap ng mga COVIDF patients dahil puno na ang kanilang mga ospital.

Kabilang dito ang St.Lukes Hospital sa Quezon City at Bonifacio Global City(BGC); Makati Medical Hospital at ang The Medical City.

Una umanong nag anunsiyo ang The Medical City,kamakalawa at kahapon naman nag anunsiyo ang St.Lukes Hospital.

Ipinaliwanag ng dalawang hospital na umabot na sila sa maximum capacity at ayaw umano nilang makompromiso ang lagay ng kondisyon ng iba pa nilang ginagamot na non-COVID patients sa ibang palapag ng ospital.

Sa ngayon, mayroon na umano ang St. Luke’s na naka-admit na 48 na pasyenteng mayroong COVID-19, 139 ang person under investigation (PUI).

Habang naka quarantine ang nasa 592 na frontline health workers ng ospital. Sa ngayon, tuloy pa rin naman anila ang outpatient COVID-19 testing.

Sa Medical City, nasa 64 ang kanilang PUI habang 18 ang positive sa COVID-19 na ginagamot sa kanilang intensive care unit ( ICU)

Samantala, sinabi naman ni Health spokeperson at Usec. Ma Rosario Vergeire na hindi maaring tumanggi ang mga hospital sa mga pasyente lalo na kung emergency ang mga kaso nito.

Ito umano ay alinsunod sa batas at may kaparusahan ang sinumang lalabag sa dito.

Umani rin ng negatibong reaksyon sa social media ang pahayag ng 3 malalaking ospital dahil mistulang takot umano ito sa virus at ayaw mahawa.

“Maximum capacity my a**!” sabi ni @CTheDemon.

”Una talaga tumitiklop sa labanan sa Pinas ang private hospitals, iaasa na lang nila yan sa mga government hospitals kaya saludo ako sa PGH, LCP, PHC and other state hospitals competent pa mga medical staff,” ayon kay @duncanpearson .

“Sa oras ng pangangailan hindi pala natin sila maasalan hindi ko kayo makakalimutan ,” reaksyon naman nni @tubigatlangis88. (Juliet de Loza-Cudia)