Abante Tonite
Mabilis sa Balita

St. Luke’s, Makati Med umapaw sa COVID patient

0 422

Dahil ‘full capacity’ na ang intensive care unit (ICU), inanunsyo ng St. Luke’s Medical Center sa Quezon City at Global City na hindi na muna sila tatanggap ng mga pasyenteng infected ng COVID-19.

“We wish to inform the public that St. Luke’s Medical Center in Quezon City and Global City have reached full capacity of allocated COVID-19 intensive care unit beds as of today, July 13,” base sa public advisory ng ospital.

Maging ang Makati Medical Center ay nag-anunsyo na rin ng hindi pagtanggap ng mga COVID patient dahil puno na rin ang kanilang mga pasilidad.

“Much as we would want to extend the same degree of care and attention to any additional admission for COVID 19, MMC has reached its threshold in it’s capacity to respond to more COVID patients,” ayon naman sa pahayag ng MMC.(Dolly B. Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.