Abante Tonite
Mabilis sa Balita

St. Luke’s patient tumalon sa kamatayan

0 362

Winakasan ng isang babaeng pasyente ng St. Luke’s Medical Center sa Quezon City, ang sariling buhay nang tumalon ito sa bintana ng ospital noong Miyerkoles ng hapon.

Sa inisyal na imbestigasyon ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District (CIDU-QCPD), bandang alas-2:40 ng hapon nang matagpuan ang duguang katawan ng biktima sa ground floor ng St. Lukes Medical Center sa E. Rodriguez Sr. Ave., Brgy. Kalusugan ng nasabing lungsod.

Una dito, noong July 20 dinala sa ospital ang pasyente para magpa-check up dahil sa dinaranas nitong depresyon.

Pagdating sa ospital ay pumasok umano sa banyo ang pasyente at uminon ng disinfectant kaya agad na dinala sa emergency room at na-confined para obserbahan. Pero noong July 22, sandaling pumasok sa comfort room ang kanyang bantay at nang bumalik ay wala na ang pasyente sa kanyang kama. Natagpuan na lamang itong duguang bumulagta sa ground floor ng ospital.

Sinugod pa sa emergency room ang biktima subalit binawian ito ng buhay alas-5:25 ng hapon.

Paalala ng mga awtoridad sa mga gustong humingi ng tulong hinggil sa mental na kalusugan, maaaring komontak sa National Center for Mental Health sa mga numerong 0917899-USAP (8727) o 989-USAP. (Dolly Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.