Abante Tonite
Mabilis sa Balita

St. Luke’s umapaw sa COVID pasyente

0 120

Umabot na sa full capacity para sa mga pasyenteng tinamaan ng COVID-19 ang St. Luke’s Medical Center sa Bonifacio Global City (BGC) sa Taguig nitong Biyernes na unang araw ng enhanced community quarantine sa Metro Manila.

Ayon kay Dr. Benjamin Campomanes Jr., executive vice president at chief medical officer ng St. Luke’s BGC, nakagugulat ito dahil dalawang araw lang ang nakalipas ay nasa 72% pa lamang ang occupancy ng kanilang COVID ward.

“It’s very surprisingly dahil two days ago I was interviewed by a lot of people and I was saying that we were only 68% occupied in our ICUs and 72% in our general COVID ward. Surprisingly after two days the figure has changed drastically,” wika ni Campomanes sa isang panayam sa radyo.

Base kay Campomanes, “hundred percent full” na umano ang COVID ward ng St. Luke’s sa BGC.

Ipinagpapalagay niya nila na lahat ng kanilang mga pasyente ay Delta variant case. Tumatanggap aniya sila ng mga pasyenteng mula moderate hanggang critical case.

Aniya pa, pami-pamilya ang mga pasyente nila na edad 30 hanggang 50. Na hindi pa bakunado laban sa COVID dahil hindi pa kasama ang mga ito sa A1 hanggang A4 category ng vaccine rollout.

Samantala, sa branch umano ng St. Luke’s sa Quezon City 61 kama pa lamang para sa mga pasyenteng may COVID ang okupado mula sa 99 kama nila habang sa ICU ay 13 mula sa 14 COVID bed.

Lung Center aapaw na rin

Malapit na rin umaong mapuno ang Lung Center of the Philippines ng mga pasyente na may COVID dahil sa mabilis na paglobo ng bilang ng mga nahahawaan ng Delta variant sa Metro Manila.

Ayon kay Dr. Randy Castillo, umabot na sa 80 hanggang 90 ang okupado ng mga pasyente sa emergency room ng Lung Center kung saan ay 110 COVID bed lamang ang nakalaan.

“Presently, we are nearing our maximum capacity when it comes to patient occupancy rate. As of this morning, our occupancy rate for COVID-related beds or admissions is around 90% already and for the critical units, around 90%,” ayon kay Castillo sa isang panayam.

Sa kabila nito, sinabi ni Castillo na marami pang suspected at confirmed COVID patient ang dumadagsa pa rin para sa medical consultation sa emergency room at triage area ng ospital. (Issa Santiago/Dolly Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.