Abante Tonite
Mabilis sa Balita

St-Pierre, Gracie sa ‘Apprentice’

0 537

Kakaliskisan nina former Mixed Martial Arts champion Georges St-Pierre ng Canada at jiu-jitsu legend US-based Brazilian Renzo Gracie ang 16 candidates sa Episode 2 ng The Apprentice: ONE Championship Edition.

Kilalang ‘GSP’ ang 39-year-old, 5-foot-10 na si St-Pierre na isa mga astig sa MMA sa lahat ng panahon, habang legend na rin sa MMA si Gracie, 54, 5-10, lalo na sa Brazilian jiu-jitsu.

Ang dalawang pambato ang ‘Pinas sa The Apprentice: ONE Championship Edition” na may 13 episodes ay sina Lara Pearl Alvarez at Louie Sangalang. Inieere rin ito sa bansa tuwing Huwebes ng alas-8:50 nang gabi sa AXN cable network, at Lunes ng alas-9:00 nang gabi sa One Sport. (RC)

Leave A Reply

Your email address will not be published.