Abante Tonite Interactive

ST queen Tina Monasterio, saan na ngayon?

6,063

Pumalaot si Tina Monasterio sa mundo ng show business noong taong 1976 at bilang newcomer, masuwerteng napasali agad sa pelikulang ‘Bato Sa Buhangin’ na tinampukan nina Fernando Poe Jr. at Vilma Santos.

“Ang naka-discover sa akin sa showbiz ay sina Ricky Belmonte at FPJ, unang movie ko ay Bato Sa Buhangin, tapos ay Divino with Ricky Belmonte.

“Ang role ko sa Bato Sa Buhangin ay barkada ni Vilma Santos. That time, hindi ko pa nari-realize na ganoon pala kalaki iyong FPJ-Vilma Santos tandem,” panimulang kuwento ng aktres.

Abante Hiring – IT dep

Dagdag pa ni Tina, “Bale ang maituturing kong kasabayan that time ay sina Trixia Gomez, Carmen Ronda, Nympha Bonifacio, Alma Moreno, Josephine Garcia, Susan Henson, at Vi­vian Velez,”
pagbabalik-tanaw ng aktres na mas kilala na ngayon bilang ina ng Kapuso actor na si Derrick Monasterio.

Dahil first movie niya ay with FPJ at Vilma, kinabahan ba siya that time?

Sagot ni Tina, “Yes medyo kinabahan or more likely, na-excite talaga ako.”

Ano ang maituturing niyang biggest break? At ano ang pinaka-seksing movie ang ginawa niya?

“I think ang biggest break ko ay iyong ‘Mapupulang Labi’ at ‘Dodong Diamond’ with Jay Ilagan. Ang pinaka-seksing movie naman ay ‘yung ‘Mga Dalagang Ina’, kasi sexy lahat ang kasama ko roon, Beth Bautista, Vivian, Trixia…”

Noong kanyang kapanahunan ay nauso ang tinatawag na ST (Sex Trip) movies at ang mga wet look, naranasan din ba niya ito?

“Yes uso iyong ST, pero hindi ako nag-bold… sexy lang. Hindi rin ako nag-wet scene. Ang pinaka-daring na nagawa ko noon ay love scene with Jay Ilagan, actually bed scene iyon, but nothing was shown but our shadows, making love,” pakli niya.

Nabanggit din niya ang naramdaman noon nang tawagin siyang bold star.

“Medyo nairita ako, kasi hindi naman ako nagpakita ng private parts, eh.”

Ano ang advice niya sa mga sexy stars nga­yon?

“Advice? Well, focus on your acting and the rest would follow. Kung kailangan ng scene na medyo sexy talaga, why not? But don’t get exploited!” deklara pa niya.

Ano kaya ang nakikita niyang buhay, 10 years from now?

“Ten years from now, secured, stable, progressive, happy… iyon,” wika pa ni Tina na ngayon ay Kagawad sa Quezon City matapos manalo sa nakaraang halalan.