Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sta. Ana, Metro Turf abala

0 101

Maganda ang bungad para sa mga karerista sa taong 2021 dahil magkakaroon agad ng dalawang race sa Sabado at Linggo o Enero 2-3.

Magkaibang club ang magdadaos ng karera, punong abala ang Philippine Racing Club Inc. (PRCI) sa Linggo habang ang Metro Turf Club Inc. ang magpapakarera sa araw ng Sabado sa Tanauan-Malvar, Batangas.

May 12 karera ang ilalarga sa Linggo sa Santa Ana Park sa Naic, Cavite, lahat ay mga Philracom Rating Based Handicapping System Race.

Bobolahin pa lang ang mga nagdeklara ng pagsali para sa Sabadong karera kaya malalaman pa lang ngayong araw ang maglalaban-laban sa event na parehong mga suportado ng Philippine Racing Commission.

Ipapagamit pa rin ng PRCI ang Mobile Off-Track Betting (MOTB) para sa pagtaya ng mga karerista. (Elech Dawa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.