Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Stacey palaban magpaseksi

0 78

NI:ROLDAN CASTRO

Isa sa paboritong kandidata sa Binibining Pilipinas 2022 ay si Stacey Gabriel. Malakas ang dating niya at may K para makasungkit ng korona. Magaling siyang magsalita at sumagot sa mga tanong.

Numero uno siya sa mga 40 candidates. Hindi naman siya na-pressure na una siyang rarampa. Excited siya sa laban niya sa pageant na ito.

Bago sumali sa beauty contest si Stacey ay pumasok din siya showbiz at isang modelo. Napanood siya sa ‘FPJ’s Ang Probinsyano,’ ‘La Luna Sangre,’ ‘Ipaglaban Mo’ at ‘The Day After Valentines’.

SM food to go Banner Ad

Tinanong namin si Stacey kung keri ba niyang magpa-sexy sa pelikula pag matapos ang pageant. Kaya ba niyang makipagsabayan sa pagiging palaban nina Kylie Verzosa, Cindy Miranda, Ariella Arida at Janelle Tee.

Hirit niya ‘pag kailangan daw sa istorya at sa role posible niyang gawin lalo na ‘pag excited siya sa proyekto.

Inurirat din namin kung sino ang showbiz crush niya. Buong ningning niyang sagot na si Jericho Rosales. Nakatrabaho raw niya ito sa Seryeng ‘Halik’. Para sa kanya charming daw ito at generous bilang aktor.

Leave A Reply

Your email address will not be published.