Abante Tonite Interactive

Staff ng mambabatas naglalaway sa Ferrari

494

Hindi naman mil­yones ang buwanang suweldo pero bigatin kung mangarap ang isang mayabang na staff ng mambabatas

Eh paano ba naman kasi, Ferrari ang gustong bilhin ng kumag at kinasangkapan pa si Santa Claus sa kanyang wish.

Hilig kasing magpasikat ng staff sa publiko, patunay dito ang sports car na kanyang minamaneho pagpasok sa trabaho.

Sa pasikat kasi nakasungkit ng magandang tsiks ang staff kaya itotodo na ang harurot kapag nakabili ng Ferrari.

Kabaligtaran naman ang ugali ng among mambabatas na sa sobrang pagtiti­pid ay ordinaryong sasakyan lamang ang ginagamit sa trabaho.

Clue: Ang staff ay nagtatrabaho sa mambabatas na may letrang P sa kanyang pangalan as in Pajero.