Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Staff ng private firm limitahan pasok

0 408

Hinimok ng Malacañang ang mga kompanya sa pribadong sektor na gayahin ang work arrangement na ipinatupad ng gobyerno sa hanay ng mga empleyado nito ngayong sumisirit ang mga kaso ng COVID-19 sa buong bansa.

“Inengganyo po natin ang pribadong sektor na gayahin `yong work arrangements na ipinatupad ng ehekutibo. Ang ating Executive Secretary ay nag-issue ng memorandum sa lahat ng executive branch of government na ilimita ang pagpasok kung kakayanin to 30 hanggang 50 percent of operations or on-site capacity,” sabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque.

Sa isang televised briefing Linggo ng hapon, inanunsyo ni Roque ang mga bagong patakaran na nirekomenda ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases kay Pangulong Rodrigo Duterte upang matugunan ang patuloy na tumataas na mga kaso ng COVID-19.

Base sa IATF Resolution No. 104 na nilagdaan noong Marso 20, 2021 nina Health Secretary Francisco Duque III, IATF chairperson, at Secretary Karlo Nograles, IATF co-chairperson, ipatutupad ang general community quarantine (GCQ) sa National Capital Region, Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal simula Marso 22 (Lunes) hanggang Abril 4, 2021.

Nakasaad sa resolusyon na hinihimok ang pribadong sektor na magpatupad ng “alternative working arrangement” sa kanilang mga empleyado para maiwasan ang pagkalat pa ng COVID-19 sa mga opisina o kompanya. (Prince Golez)

Leave A Reply

Your email address will not be published.