Abante Tonite Interactive

Staff ng senador tinusta sa Facebook

HULAAN BLUES

627

Kung nakama­matay lang ang masasakit na salita sa Facebook, baka natusta na ang isang staff ng senador dahil sa maiinit na banat laban sa kanya.

Nagsimula ito nang maglabas ng statement ang tanggapan ng senador na nakapangalan sa maepal na staff, at banatan ang mga stalwart ng partido.

Gumanti naman ang mga binanatan sa statement, pero imbes na kuyugin ang senador, ang power tripper na staff ang pinulutan sa Facebook.

Nabasa ng Tonite ang maaanghang na banat sa staff, kung saan tinawag itong ‘bobo, mayabang, at bastos’.

Pinuna rin ang grammatical error nito sa statement na umano’y naglagay sa kahihiyan sa amo nitong senador.

Naghamon pa umano ang mga galit na mi­yembro ng partido na magharap sila ng mayabang na staff ng senador, aba’y baka mabigyan ng superman punch ito, tulad ng ginawa ni Jason Castro sa isang matangkad na player ng Australia.

Clue: Ang staff ng senador ay kinalalang manyak, habang ang kanyang amo naman ay kilalang masiba sa puwesto.