Abante Tonite Interactive

Staff ng solon hambog pa rin kahit naospital

291

Ibang klase rin kung magyabang itong isang staff ng mambabatas dahil kahit naospital na ay mayabang pa rin.

Eh paano ba naman kasi, nagpost sa social media itong staff na may suwero sa kanyang kamay.

May paawa effect pa ang kumag dahil holiday season pero nagpapagaling siya sa ospital.

Pero imbes na maawa ang iba sa kanya, naiinis pa ang mga ito dahil sa dinaig pa nito ang bagyong Usman sa lakas ng hangin.

Aba’y kasama kasi sa ipinost ang mamahaling yoyo o relo.

Napapaghalata tuloy na habang yumayaman ang kanyang amo, kasama din sa lumalago ang kita ng staff.

Rumaket kasi sa mga Intsik ang mambabatas, pero itong staff niya ay pinagkakitaan din ang mga politiko
Clue: Ang mambabatas na may hambog na staff ay hindi makinis ang mukha. Kung siya ay senador o congressman, hulaan niyo sa letrang L as in Lalaki.