Abante Tonite Interactive

Staff ni cong biglang yaman sa pambubukol

1,957

Hindi naman tumama sa lotto pero big­lang yaman ang staff ng isang miyembro ng Lower House.

Wala pa siyang isang taon sa trabaho pero nakabili agad ng sasak­yan na nagkakahalaga ng higit sa isang mil­yong piso.

Suspetsa ng ilang bugoy, hindi binibigay ng staff ang perang nakalaan para sa pagpapapogi ng mambabatas, as in nambubukol ito.

Hindi naman kala­kihan ang suweldo ng staff pero wala pa siyang isang taon sa trabaho ay nakabili na agad ng SUV.

Ang staff ay may kalakihan ang katawan, siyempre hilig ka­sing magsuot ng medium size na damit.

Kapag nalaman ito ni Cong, baka matulad siya sa bodyguard ni Sarah G. na umaa­ngal na sinapak daw siya.

Clue: Ang staff ay nagtatrabaho kay congressman na may letrang A sa apelyido.

Tonite – Wendys Inhouse Ad