Abante Tonite Interactive

Staff ni Pia Cayetano positibo sa COVID-19

0 394

Isang babaeng staff ni Senador Pia Cayetano ang nagpositibo rin sa coronavirus disease 2019 (COVID-19), ayon kay Senate Secretary Myra Marie Villarica.

“The patient has no travel history. Her infection was traced to a person close to her family,” pahayag ni Villarica sa isang statement.

“She reported for work on March 11, the last day of session, but did not go to the plenary hall,” dagdag pa nito.

Sabi ni Villarica, nakitaan nang ‘mild symptoms’ ng COVID-19 ang staff noong Marso 11. Ang nahawahang staff at mga nakasalamuha nito ay absent sa isinagawang special session ng Senado noong Lunes.

“Rest assured that all measures are being undertaken by the Senate and the Office of Senator Pia Cayetano to address the needs of the patient,” sabi ni ng Senate Secretary.

Nauna nang nagpositibo sa corononavirus ang tatlong senador na sina Juan Miguel Zubiri, Aquilino `Koko’ Pimentel III, at Sonny Angara. (Dindo Matining)