Abante Tonite Interactive

Staff ni Vice Ganda, nagreklamo sa kagaspangan ng ugali ni Xander Ford

By
Xander at Korina
46

SI Korina Sanchez ang dahilan kung bakit mayroong isang Xander Ford ngayon sa showbiz. Sa programa niyang Rated K ipinanganak si Xander na mas dating kilala bilang Marlou Arizala.

Si Korina ang nag-grant ng wish ni Marlou na mag-undergo ng cosmetic surgery, at muling subukan ang showbiz sa isang enhanced na look at new name.

Sa pagsulpot ni Xander, at sa sunud-sunod na TV appearances, kaliwa’t kanan ang inaabot nitong bashing mula sa maraming tao. Kung hindi sa hitsura, sa ugali tinitira ngayon si Xander. Kung noon daw na hindi pa ito nagpaparetoke ay magaspang na ang ugali nito, mas lalo raw ngayon.

Recently ay nag-guest ito sa mga programang Gandang Gabi Vice, Magandang Buhay at Home Sweetie Home. Mismong ang staff ng GGV ang nagpatunay ng kagaspangan ng ugali ni Xander.

Nakarating ang mga sumbong ng pagiging magaspang na ugali na ito ni Xander. Ang balita namin, agad na ipinatawag ni Korina si Xander at masinsinang kinausap.

Sa nga­yon, Xander is really keen on acting in a teleserye. But he prefers comedy roles daw. Si Da­niel Padilla ang idol niya. And when asked kung sino ang female star na gusto niyang makatrabaho, consistent si Xander sa pagsasabing si Miles Ocampo na crush din nito.