Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Staff ni Willie kinulong

0 522

NI: VINIA VIVAR

Nilinaw ni Willie Revillame na negative siya pati na ang lahat ng kanyang staff sa Tutok to Win sa COVID-19. Marami kasi ang nag-alala sa kalusugan ng TV host matapos magpositibo sa virus ang dati niyang co-host na si Donita Nose.

“Baka raw nahawa kami, hindi ho. Three weeks na hong wala si Donito rito,” paliwanag ni Willie sa recent episode ng Tutok to Win.

July 10 daw ang huling appearance sa show ni Donita and that time ay wala pa raw nararamdaman ang komedyante at mayroon lang daw kailangang ayusin kaya hindi na nakapag-report.

Days after mawala ito sa show ay saka raw nakaramdam ng sintomas si Donita hanggang sa kumpirmahin na nga ng komedyante na positibo siya sa virus.

July 20 ay nagpa-rapid test na raw si Willie at ang buong staff at negative naman daw sila lahat.

“Eto hong mga ito, naka-quarantine lahat. Bawal silang umuwi. Okay? So, ngayon ho, ganyan ang ginagawa namin,” he said.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Dagdag pa niya, “kasi pag nagkahawa-hawa tayo dito, hahawahan n’yo rin ang mga mahal n’yo sa buhay. So, ingat na ingat kami rito. Magmula po sa mga lobby, sa mga guwardiya, meron na kami ritong temperature test.”

Napaka-strikto raw nila ngayon sa Will Tower kung saan ginaganap ang Tutok To Win and thankfully ay maayos naman daw lahat.

“Every week po ay nagkakakaroon kami rito ng disinfectant, evey week po yan, Saturday at Sunday. So, inaalagaan namin ‘to at inaalaaan ko ang sarili ko, para po sa inyo,” he said.

Nagbigay din siya ng mensahe kay Donita na huwag mag-alala at marami namang nagdadasal para sa kanyang kaligtasan.

“Huwag kang mag-alala Donita, maraming mga kabadingan na pinagdadasal ka at kaming mga kaibigan mo siyempre. Maraming nagmamahal sa ‘yo kaya you will be okay.

“Maraming tutulong sa ‘yo, huwag ka mag-alala. Ikaw ang lalaban diyan. ‘Yung COVID, sarili mo eh, ang lalaban diyan.

“Kami nandito to support you at para sa prayers mo. Lumaban ka diyan, ha? Talunin mo ‘yung virus na ‘yan para ‘di ba, makasama ka pa namin,” mensahe ni Willie kay Donita. (Vinia Vivar)

Leave A Reply

Your email address will not be published.