Abante Tonite Interactive

Stags bida sa sabungan

By
0 1,845

Ilang Linggo na lang at hindi na tayo makakakita ng magugulang na manok sa mga sabungan dahil mga batang manok na ang bida sa mga derby. Eh kasi nag-uumpisa nang maglugon ang mga cock o matatandang manok.

Mga Stag derby tulad ng ‘Bakbakan’ ang mga big time na sultada. Tiyak na masisiyahan tayo sa mga laban ng mga stag dahil walang tigil ang paluan kapag nabitawan na sila sa ruweda.

Kaya sa susunod na buwan nakasoga na lang ang mga magugulang na manok.

***

At dahil tag-ulan na, marami sa ating mga manok ang dadapuan ng sakit tulad ng sipon, halak, kaya bigyan natin sila ng mga pangon­tra sa sakit, kung baguhan sa pagmamanok magtanong sa mga bilihan ng mga pagkain ng manok.

***

Mga klasmeyt kahapon sa Sta. Monica Cockpit Arena sa Novaliches, Quezon City, maagang nagsipanalo ang mga dehadista, wala pang alas-kuwatro nang hapon ay pumuputok na ang bulsa ng mga dehadista dahil lumakad ng pitong sunod na dehado.

***

Nilarga kahapon ang 6-Cock Derby sa New Porac Cockpit Arena, Pampanga. May 81 sultada ang nayari na nagsimula ng ala-una nang hapon.

Nagkaroon din ng 5-Cock Derby 2-Cock Eliminations sa Roligon Mega Cockpit kahapon at may 48 fights ang nagawa na nagsimula ng alas-singko nang hapon.