Abante Tonite Interactive

Stags pagulangin, talo ang pikon

By
0 201

Magandang sabong mga klasmeyt. Panigurado ako hinahanda n’yo na ang mga cock n’yo o magugulang na manok.

Sa susunod na buwan siguradong mga two-year-old pataas na ang masisilayan sa sabungan at medyo itatabi muna ang mga stag o mga batang manok.

Mga kasabong, huwag ninyong ipilit na ilaban ang mga hindi na napalaban na stags ninyo at tinitiyak kong sa kangkungan pupulutin yan. Puwedeng manalo pero mas ma­laki ang tsansa ng mga magugulang na manok.

Lalo na ngayon matatapos nang maglugon at siguradong matitibay ang makakatapat ng mga batang manok ninyo sa Disyembre.

Kaya gawin ninyo, pagulangin n’yo mga stag na hindi napalaban.

***

Nakaraan sumi­lip ako ng sabungan, nakita ko sa ulutan ang isang manok na napakalaki ng tibak, napalaban sa may kalakihan at narinig ko na ang katwiran niya ay napikon daw siya dahil ang yabang nu’ng umuulot sa kanya.

Pinanood ko ‘yung laban, ayun 2 beses lang pumalo, basa ko masakit ang paa dahil sa tibak.

Tumama naman ‘yung palo pero hindi ininda ng kalaban niya dahil malaki. Kaya naghimutok at lupaypay ang balikat na bu­mababa ng ruweda, he he he. Talo ang pikon talaga.

***

Baka gusto ninyong magtrabisya ngayong araw. May “Bakbakan 2018 Derby / UGBAT / 2nd Elims” sa New Tarlac Coliseum.