Abante Tonite Interactive

Stand up and vote!

282

Julius Segovia

julius-segoviaIsang linggo bago mag-eleksyon, alam kong excited nang bumoto ang mga first-time voter. Sila ‘yung mga nasa edad 18 sa mismong araw ng botohan.

Kung sabik ang mga kabataang bumoto, wala namang gana ang ilang may edad na nakausap ko. Wala rin daw nangyayari sa bansa kahit sino pa ang maupo sa puwesto.

Pero tandaan n’yo, it is our duty and right to vote as citizens and registered voters of this country. Let our voices be heard. Malayo ang mararating ng isang boto mo.

Marami ang naha-hassle kaya tinatamad bumoto. Para maging smooth at stress-free ang pagboto, dapat ‘I am ready.’

Tiyak akong mainit ang pagpunta sa mga polling precinct, kaya maghanda ng mga panangga gaya ng payong, pamaypay o sumbrero. Huwag din kalimutang magbaon ng tubig para may pamatid-uhaw habang nakapila.

Kung ako ang tatanungin, mas mainam na maagang pumunta sa mga presinto. Bukas na ang botohan nang alas-sais ng umaga. Hindi pa masyado mainit sa oras na iyon.

Maghanda na rin ng listahan ng iyong mga iboboto para mas mabilis kang matapos.

Alamin ang precinct number para hindi ma-hassle. Importante ring sumangguni sa mga help desk sa polling place sakaling hindi mahanap ang iyong pangalan sa listahan.

Ibigay ang iyong pa­ngalan sa Board of Election Inspector (BEI) at isang valid ID para agad mabigyan ng balota. Tiyaking malinis at hindi tampered ang balota.

Hindi puwedeng makita ng ibang tao ang binibilugan mo sa iyong balota. If someone tries to sneak at it, i-report mo. Ikaw rin, bawal kang mag-selfie. Huwag gumamit ng camera sa loob ng presinto.

Kung tapos ka na sa pag-fill out ng balota, i-insert na ito sa Vote Counting Machine (VCM). Makikita sa VCM screen ang mga pangalan ng mga kandidatong iyong ibinoto. May receipt na lalabas. Huwag itong hilahin. Ang BEI ang puputol nito para sa’yo.

Drop the receipt in the box provided. Huwag kang lalabas ng presinto nang bitbit ang receipt. Siguruhin ding malagyan ka ng indelible ink sa iyong daliri. Simbolo ito na tapos ka nang bumoto.

Tantiya ko bubuno ka rin ng isang oras sa buong proseso ng pagboto. Depende ang tagal sa haba ng pila sa iyong polling precinct.

Ang sa akin lang, better to stand up and vote. Let us exercise our right to su­ffrage. Isang araw lang ang isasakripisyo mo. Tiisin na ang init ng araw at siksikan. Kinabukasan naman ng susunod na henerasyon ang nakataya. Gaya ng sabi ko, malayo ang mararating ng isang boto mo.