Abante Tonite Interactive

Stand-up comedian nabitag sa human trafficking

0 356

Bagsak sa kulungan ang isang stand-up comedian na sangkot sa human trafficking matapos madakip ng mga ope­ratiba ng pulisya Lunes nang gabi sa Tabon Port, Boracay Island, Malay, Aklan.

Kinilala ang suspek na si Richard Sausa, 42, tubong Tanza, Iloilo at nanunuluyan sa Sitio Tulubhan, Brgy. Manoc-Manoc sa Noracay Island.

Sa ulat ni Police Regional Office 6 Director Police Brig. Gen. Rene Pamuspusan, alas-6:30 nang gabi nang arestuhin ng Malay Municipal Police Station si Sausa sa Tabon Port, Caticlan, Malay ng lalawigang ito.

Si Sausa ay may warrant of arrest sa kasong qualified human trafficking.

Hindi na nakapalag ang komed­yante matapos itong makorner ng pulisya sa nasabing pantalan.

Bago ito ay nakatanggap ng impormasyon ang mga operatiba ng pulisya hinggil sa pinagtataguan ni Sausa.

Walang itinakdang piyansa ang korte para sa pansamantalang kalayaan ng suspek. (Edwin Balasa)