Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Stand-up comedian nakikitira na lang

0 1,136

Maraming nagkokomento na kung natuto lang sana sa buhay ang isang kilalang stand-up comedian ay hindi sana siya nakikitira ngayon sa kanyang mga kaibigan.

Sayad na sayad ngayon ang kanyang kabuhayan, nagsarado na ang mga comedy bar na kung kailan uli magbubukas ay tanging tadhana lang ang nakakaalam, kaya para siyang naghihintay na wala sa mga panahong ito.

Kuwento ng isang malapit sa stand-up comedian, “Binigyan na siya ng napakagandang chance nu’n para mapasama siya sa isang sikat na game show, pero hindi niya minahal ang trabaho niya.

“Dumarating siya nang super-late, walang kaayus-ayos, dahil sa pagkukumahog. Puyat na nga siya sa panggabing work niya, e, kung saan-saan pa siya nagpupunta.

“Nagbisyo kasi siya, du’n lang napupunta ang mga kinikita niya, napakalaking pera ang sinayang ng becking ‘yun!” napapailing na kuwento ng aming impormante.

Sayang, magaling pa naman ang komedyante, magaling din siyang kumanta pero inuna niya ang mga bisyong umuubos sa kinikita niya.

“Pagkatapos ng set niya sa comedy bar, e, diretso na siya sa pagpindot! Puro online games ang inaatupag niya! Umuuwi siyang luhaan, olats na olats siya, ni pang-taxi nga, e, wala siya!

“Wala siyang disiplina! May mga kumukuha sa kanya sa malalayong probinsiya, hindi pa man dumarating ang exact date, e, nakukuha na niya ang full payment!

“Paano nga, e, puro bisyo ang nasa utak niya! Bukod sa pagpindot, e, meron pa siyang pinagkakaabalahang bisyo para hindi raw siya atakihin ng antok dahil panggabi nga ang work niya!

“Ngangang-nganga siya ngayon, kung kani-kanino na lang siya nakikitira, pinaalis na rin kasi siya sa tinitirhan niya bago pa nagkaroon ng lockdown.

“Hanggang kailan siya patitirahin ng mga nilalapitan niya? Natural, may mga sariling problema rin ang mga ‘yun dahil sa pandemya!

“Hay, sayang na becki, magaling nga siya, pero wala naman siyang disiplina! Katunog pa naman ng echas ang name niya!” pagtatapos ng nag-aalala naming impormante.

Staff ni Willie negative sa coronavirus

Nang makarating kay Willie Revillame ang pagiging positibo ni Donita Nose sa COVID-19 ay una muna niyang kinumusta ang komedyante kung sino ang nag-aasikaso dito.

Ang ikalawang hakbang na ginawa ng TV host ay ang tanungin ang kanyang production staff kung kailan ang huling araw ni Donita Nose sa Tutok To Win bago humalili sa kanya si Hipon Girl.

Ang ikatlong mahalagang ginawa ni Willie ay ang ipa-disinfect ang 42nd floor ng kanyang Wil Tower kung saan ginaganap ang Tutok To Win.

At ang pinakaimpormante, kasama ang kanyang buong staff ay nagpa-rapid test agad sila na sinundan pa ng swab test. Awa ng Diyos ay negatibo naman ang resulta ng mga pinagdaanan nilang health protocol.

Napakaingat pa naman ni Willie, mula nu’ng mag-lockdown ay ang pagbibigay lang ng ayuda sa mga taga-Puerto Galera ang naging dahilan ng kanyang paglabas. Pero armado siya ng face shield, masunurin siya sa ipinapayo ng DOH, para makaiwas siya sa peligro.

Winasak ng COVID-19 ang kasabihan na kapag pera na raw ang nagsalita, lahat ay nakikinig, may mga prinsipyong isinusuko at paninindigang kinalilimutan na dahil sa pera.

Pero bulag, pipi at bingi ang salot na nagpapahirap ngayon sa buong mundo. Walang pinipiling antas sa buhay ang corona virus, walang mahirap at mayaman, meron mang maipanggastos ang kinapitan ng COVID-19 ay wala pa ring kasiguruhan ang kanyang buhay.

Walang dapat ipag-alala ang mga tagasuporta ni Willie Revillame, inagapan niya agad ang mga hakbang para wala silang kinatatakutan, sinusuportahan din niya si Donita Nose sa masaklap na kalagayang meron ngayon ang komedyante

Leave A Reply

Your email address will not be published.