Abante Tonite Interactive

Stand-up comedian palaboy

0 1,127

Nakakaawa naman ang buhay ng stand-up comedian na ito. Dahil sa pagkalulong sa droga, nagpapalaboy-laboy na lang at mukha nang pulubi.

Malayo sa glamorosang itsura niya nu’ng kasagsagan ng pamamayagpag niya sa comedy bar.

Kuwento ng salon owner, ‘di niya akalain na ganyan ang sasapitin ng komedyante. Nanawa na rin naman daw siyang bigyan ito ng pera dahil binibisyo lamang.

Ang latest, wala na rin daw itong tirahan dahil pinalayas na ng pamilya. Natutulog na lang umano sa kalsada.

Ilang beses na rin namang na-rehab ito pero sa tuwing lalabas ay balik sa dating bisyo.

Sayang talaga dahil matalino at mahusay ang stand-up comedian na ito na nu’ng nag-uumpisa pa lamang kaming manunulat ay maraming beses na rin namin siyang napanood.

Sana makarating kina Vice Ganda, Pooh at Ethel Booba ang tungkol sa stand-up comedian para matulungan. Sila naman ang magkakasabay at magkakasama sa trabaho no’n. (Mildred Bacud)