Abante Tonite Interactive

Standhardinger kayod-kalabaw, San Miguel binarahan ang NLEX

By
833

Mga laro ngayon (Smart Araneta Coliseum)
4:30 pm – Columbian vs. TNT
6:45 pm – Alaska vs. Ginebra

Walang June Mar Fajardo, pero meron namang Christian Standhardinger at AZ Reid si coach Leo Austria kaya hindi rin nadehado ang San Miguel Beer kontra NLEX.

Kalalapag lang sa NAIA Terminal 2 kahapon ni Standhardinger kasama ng National team na tumapos ng fifth place sa 2018 Asian Games sa Indonesia. 

Kinagabihan, nasa Smart Araneta Coliseum na ang Fil-German at tinulungan ang Beermen na itagay ang 125-112 panalo. 
Mula airport, tatlo lang sa 17 pukol ang isinablay ni Standhardinger para tumapos ng career-high 36 points at humablot pa ng 11 rebounds. 

“A lot of players stepped up, but I have to appreciate Christian Standhardinger kahit pagod na pagod siya,” ani Austria sa kanyang top rookie na instrumento sa fifth place finish ng Pilipinas sa Asiad. 

Nagsumite si Reid ng 30 points, 13 rebounds at 6 assists. 

Naipasa ng Beermen ang unang salang na wala si Fajar­do, 6-8 weeks na sidelined ng right shin injury. 

May 23 points at 9 assists pa si Alex Cabagnot, 14 kay Marcio Lassiter na 4 for 8 mula 3-point range para sa SMB. 

Unang dumating sa Big Dome si National coach Yeng Guiao mula airport, pero hindi muna minanduhan ang Road Warriors. 

Spectator lang si Guiao, ipinaubaya sa assistant niyang si Jojo Lastimosa ang coaching. 

“Burnt out ako,” sagot ni Guiao nang matanong kung magco-coach na.