Abante Tonite Interactive

Standhardinger mapapaaga ang pagrampa sa San Miguel

By
2,642

Mapapaaga ang sampa ni Christian Standhardinger sa PBA, inaasahang mabubuo din ng maaga ang triple towers ng San Miguel Beer sa midseason Commissioner’s Cup.

Natapos ang kampanya ni Standhardinger sa ASEAN Basketball League nang mawalis ang kanyang Hong Kong Eastern sa Alab Pilipinas sa two games ng semifinals, huli nitong Linggo ng gabi 70-72 sa Sta. Rosa, Laguna.

Top pick overall ng Beermen ang 6-foot-7 Fil-German noong 2017 draft, pero hindi pa nakalaro sa Philippine Cup dahil sa commitment sa Hong Kong Eastern.

Kinumpleto ng San Miguel ang four-peat sa all-Filipino, sila rin ang defending champions sa Commissioner’s Cup.

Sinabi noon ni SMB coach Leo Austria na pagpapahingahin niya muna ang team bago simulan ang ensayo sa April 20, dalawang araw bago sumiklab ang torneo.

Pero tulad ng nakatunggali nila at tinalo sa limang laro sa Philippine Cup Finals na Magnolia, hindi muna maglalaro sa first two weeks ng torneo ang SMB.

Kung isasabay ni Austria si Standhardi­nger kina 6-11 June Mar Fajardo at 6-9 Troy Gillenwater, buo na ang triple towers na magpapasakit sa ulo ng ibang teams.