Abante Tonite Interactive

Standhardinger ng San Miguel

GAGARAHE?

By
4,593

Tapos na ang kampanya ni Christian Standhardinger sa FIBA 3×3 World Cup, pero game-time decision pa rin ni San Miguel Beer coach Leo Austria kung makakalaro na ang top rookie pick ngayon.

Sasagupain ng Beermen ang GlobalPort sa unang laro ng PBA Commissioner’s Cup mamaya sa MOA Arena.

Kasama ni Standhardinger sa FIBA stint sina Troy Rosario, Roger Pogoy at Stanley Pringle, pero hindi umabot sa playoffs ang Filipinos pagkatapos ng 2-2 record na pangatlo sa Pool C.

Tinalo ng Team Pilipinas ang No. 6 Brazil sa opener bago yumuko sa Mongolia. Silat ulit ang Filipinos sa Canada 20-19, bago pinagdiskitahan ang world No. 3 Russia 19-12 sa huling asignatura nitong Lunes.

Bago ang FIBA tournament, dalawang larong ipinahinga ni Austria si Standhardinger dahil sa namamagang kaliwang tuhod.

Hindi pa sigurado kung isasalang na ang 6-foot-7 Fil-German mamaya.

“We have played two games na wala siya and we have prepared for the eventuality na hindi pa rin siya maglalaro bukas, but we’re ready,” pahayag ni Austria kahapon.

Parehong naipanalo ng Beermen ang dala­wang laro na wala si Standhardinger kontra Ginebra 104-97 sa overtime noong June 3, at 129-117 laban sa Columbian noong Miyerkoles.