Abante Tonite Interactive

Standhardinger pambulaga ng San Miguel panilat!

By
3,489

Sa kanyang rookie season – at unang conference – ay susubukang makatulong ni Christian Standhardinger para masungkit ang una niyang PBA title.

Square off ang San Miguel Beer at Ginebra sa Commissioner’s Cup Finals umpisa bukas, July 27, at handa nang makipagpukpukan sa una niyang finals stint ang 6-foot-8 Fil-German.

Magiging katuwang siya ni June Mar Fajar­do, kasama si Renaldo Balkman, na mamando sa post ng SMB laban kina Greg Slaughter, Japeth Aguilar at Justin Brownlee ng Ginebra.

Binagabag ng knee injury si Slaughter sa dulo ng eliminations, pero nakabalik na sa playoffs.

“I’m very proud of the San Miguel family, and I’m glad to be here, glad that we reached the finals,” aniya. “It’s very great.”

Naga-average si Standhardinger ng 12.2 points, 7.2 rebounds at 1.4 assists per game sa midseason confe­rence hanggang playoffs.