Abante Tonite Interactive

Standhardinger sa Ginebra sinabotahe ni Slaughter

861

Inunahan ni Greg Slaughter ang nilulutong trade ng Ginebra at NorthPort.
Niluluto na ang swap na magdadala sana sa 7-foot slot man sa Batang Pier, kasama si rookie draft pick Jerrick Balanza, kapalit ni Christian Standhardinger papuntang Gin Kings.

Sa isang click ni Slaughter ng send button sa kanyang gadget, biglang guho ang pinaplantsang deal.

“Nag-uusap pa,” pahayag ng isang NorthPort insider. “Depende lahat iyan kung ano magiging­ final decision ni Slaughter.”

Sa social media binasag ni Slaughter­ nitong Sabado ang balita na magbi-break muna siya sa PBA kasunod ng pag-e-expire ng kontrata sa Gins pagkatapos ng 2019 season.

“With that, now that my contract has expired, I’ve decided to take a break to be able to work on myself in all aspects,” bahagi ng post niya sa Instagram.

Kahit si Tim Cone, nabulaga. Out of town ang Ginebra coach, pagbalik ay plano aniyang kausapin si Slaughter at agent nito.

Nabitin ang trade talks na halos kasado na. Ngayon ay kailangang pag-usapan din kung ano ang mangyayari sa trade. (Vladi Eduarte)