Abante Tonite Interactive

Standhardinger tambay sa FIBA 3×3 World Cup

By
1,302

Siklab na ang 2018 FIBA 3×3 World Cup mamaya sa Philippine Arena sa Bocaue, pero tengga muna ang Team Pilipinas nina Christian Standhardinger, Stanley Pringle, Troy Rosario at Roger Pogoy.

Sampung (10) laro ang nakalinya ngayon umpisa alas-12 ng tanghali.

Sa Sabado, 3:10 ng hapon, unang sasalang ang Filipinos at bibinyagan agad sa Pool C ng Brazil. Ranked No. 6 ang Brazilians, No. 19 ang Filipinos. Balik ang Pilinas ng 6:40 ng gabi para harapin ang No. 11 Mongolia.

Day-to-day si Standhardinger dahil namamaga ang tuhod, hindi pa kumpirmado kung makakalaro bukas. Inalisan ng fluid ang kaliwang tuhod ng Fil-German at hindi nakalaro sa dalawang match ng San Miguel Beer kontra Ginebra noong June 3 at laban sa Columbian Dyip nitong Miyerkoles.

“We opted not to play Christian for his own good and for the country,” pahayag ni SMB coach Leo Austria pagkatapos ng 129-117 win sa Dyip.

“Ayaw kasing baliin ni Christian ang kanyang commitment to play for the Philippines in the 3×3 World Cup.”

Desididong maglaro si Standhardinger. “I hope it doesn’t swell up more,” anang 6-foot-7 top pick overall ng 2017 draft. “Obviously, I’m trying everything in my power to play on Saturday.” (Vladi Eduarte)