Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Stanley, Ginebra iiwas madiyeta

0 187

Finals Game 4 ngayon: (AUF Gym)

6:00pm – Ginebra vs TNT

(Gin Kings lead series 2-1)

Smart Clark Giga City – Barado ang basket ng Ginebra sa Game 3 ng PBA Philippine Cup Finals sa Pampanga bubble noong Biyernes, 23 lang ang pumasok sa 65 na pinakawalan, 6 for 18 sa 3-point range.

Ang resulta ay record-setter sa ‘lows’ na 88-67 loss sa TNT at naibaba ang series-lead ng Gin Kings sa 2-1.

Susubukang bumawi ng Ginebra sa Game 4 ng best-of-seven mamaya. Para magawa ‘yun, kailangang mabutas nila ang net sa Smart 5G-powered AUF gym.

May 19 points si LA Tenorio pero 12 dito sa first half. Si Stanley Pringle ay nalimitahan sa 11 points mula 4 of 11 shooting, naka-isang attempt na lang sa fourth nang madistansiyahan ang Gins 80-61 kulang 7 minutes pa.

“Hindi lang namin napa-score si Stanley, malaking bagay na sa amin ‘yun kasi, most of the score’s coming from him,” lahad ni Tropang Giga coach Bong Ravena.

Si Aljon Mariano na bumida ng 20 points sa Game 2 win ng Gins ay nadiyeta rin sa 8 points. May 15 points si Japeth Aguilar pero naka-pitong bitaw lang, at dalawa sa pito ring subok ang naipasok ni Scottie Thompson.

Ayon kay chief statistician Fidel Mangonon III, lowest output sa Finals ang 67 ng Gins pagkatapos ng 82-66 loss ng TNT sa B-Meg na hawak ni coach Tim Cone sa Game 3 ng 2012 Commissioner’s Cup.

Lowest output din ng Ginebra sa Finals sa ilalim ni Cone, binura ang dating low na 94-81 sa Game 3 ng 2017 Governors Cup Finals vs. Meralco.

Ang all-time lowest output ng Gins sa Finals ay 102-66 rout sa TNT sa Game 3 ng 2005 Philippine Cup. (VE)

Leave A Reply

Your email address will not be published.