Abante Tonite Interactive

Stanley, Ginebra nakauna sa Magnolia

346

Mga laro ngayon:
(Araneta Coliseum)
4:30pm — TNT vs Alaska
6:45pm — NorthPort vs SMB

Ipinakita ng Barangay Ginebra kung bakit sila ang nagtatanggol na kampeon Sabado ng gabi matapos biguin ang Magnolia Hotshots, 85-79, tungo sa pag-angkin sa importanteng unang panalo sa sarili nitong best-of-three quarterfinals series sa 2019 PBA Commissioner’s Cup sa Mall of Asia Arena.

Nagtulungan ang apat na Gin Kings sa kabuuan ng laro bago nag-take charge sina import Justin Brownlee at Stanley Pringle sa krusyal na huling dalawang minuto upang itulak ang Gin Kings sa isang panalo upang makabalik sa matira-matibay na semifinals.

Abante Hiring – IT dep

Umiskor si Brownlee ng 20 puntos, 16 rebounds, limang assists at tig-isang steal at block habang si Pringle ay may itinalang 18 puntos tampok ang 4-of-9 sa tres at may apat na rebounds parang tanghaling Best Player of the Game.

“It was a tough game, facing a tough team. We just focus on our game, had our defense and it keep us going,” sabi ni Pringle.

Umiskor din si Japeth Aguilar ng 14 puntos habang may 11 naman si LA Tenorio.

Hindi nagkalayo ang labanan kung saan nagawa ng Gin Kings na kapitan ang 26-23 abante sa unang yugto bago ang 22-21 palitan sa ikalawang quarter. (Lito Oredo)