Abante Tonite Interactive

Star City arson!

0 205

Sinadya umano ang pagsunog sa Star City amusement park sa Pasay City kamakailan.

Ito ang inihayag ni Bureau of Fire Protection (BFP) Fire Marshal Supt. Paul Pili, base umano sa mga nakuhang ­ebidensiya gaya ng abo o ­samples na nakuha sa loob ng Star City.

Sinabi pa ni Pili sa ginawang inspection na mayroon din nakitang gasolina sa lugar na dapat ay wala.

Ayon kay Pili, sa imbestigasyon nalaman na ang tenant ng Star City na nakilala lamang sa alyas Mr. Wong at hindi kilalang personnel ay pumasok sa loob ng complex na may dalang sako-sakong bulak nang maganap ang sunog, alas-12:22 nang madaling araw na pinaniniwalaang nangyari sa stock room ng plushies at assortment of prizes.

Mabilis umanong ­kumalat ang apoy sa iba’t ibang bahagi ng gusali kung saan naapula ang ­sunog alas-4:30 nang ­madaling araw.

Sinabi ni Pili, kung ­papaano kumalat ang apoy sa complex ay ­nakikita nila na sinadya ito.

Bakit hindi nag-logbook? Nag-logbook siya pero hindi niya ni-logbook mga kasama niya,” ayon kay Pili.

Gayunman, sinabi pa na sa patuloy na imbestigasyon ay aatasan nila ang Star City ­Corporation na isumite ang kanilang ­financial documents sa posibilidad na sinadya ang sunog para ­makakuha ng insurance dahil mag ­e-expired na ang fire ­certification ngayon ­Oktubre 2019.

Hihingan din nila ng testimonya ang may-ari ng amusement park.
“We will look into it kung sila ba ay ­nalulugi o hindi. Doon ­makikita ‘yung motibo kasi mahirap i-pinpoint kung sino nagsunog,” ayon kay Pili.

Samantala, pinabulaanan naman ng mana­gement ng Star City, ang pahayag ni Pili dahil wala umanong dahilan para sadyain ang sunog dahil papaganda na ang negosyo ngayon dahil papasok na ang Christmas season.

Idinepensa rin ng Star City na ang gasolina na ­nakita ay ginagamit para patakbuhin ang ilang rides sa theme park gaya ng Bumber Ride.

Habang ginagamit ­naman palaman sa mga stuff toys ang bulak na ­ginagawang premyo sa mga games.

“In fact, most if not all of the stuffed toys are filled with cotton. Almost all theme parks, including those outside of the Philippines, sell or give as prizes, stuffed toys in the ordinary course of their business,” ayon sa Star City.

“We feel that it was inappropriate, to say the least, to release statements to media first regarding arson as the cause of fire when the investigation is not clearly concluded and before taking up such matter with Star City’s mana­gement, the ­principal ­party concerned,” dagdag pa ng Star City.

Sinabi pa ng Star City na ito ay maaaring buksan muli sa Christmas season pero kinakailanganpa ng clearance sa Bureau of Fire Protection (BFP).

Una nang tinanggal ng BFP ang posibilidad na faulty electrical wiring ang sanhi ng sunog at sa halip nag-focus sila sa imbestigasyon na sinadya ang sunog. (Juliet de Loza-Cudia/Vick Aquino)