Abante Tonite Interactive

Star rider

156

Hanggang ngayon ay namamayagpag pa rin sa pista at ipinapakita ni Jonathan Hernandez ang kanyang superstar status sa larangan ng pananakay.

Nitong nakaraang linggo ay apat na panalo ang nailista nito at lahat ng ‘yun ay sa stakes races.

Unang dalawa kaagad ang panalo niya sa KDJM Juvenile Colts na Salt And Pepper at Bossa Nova naman sa KDJM Juvenile Fillies Stakes. Ang pinakamatindi sa Don Juan Derby ay nasungkit niya sa ibabaw ng kabayong Dewey Boulevard. At tinapos niya ang winning streak sa isang panalo sa 1st leg ng Philracom 3-Year-Old Imported Fillies Stakes.

***

Midnight Irresistible Deals ito, ayon sa MINI Philippines Team, sa Oct. 21-22, alas-dos hanggang alas-12 ng hatinggabi lang.

Puwede kayong makabili ng iconic MINI sa hala­gang P1.999 million at kasama na dito ang mga pribilehiyong: 1-year Comprehensive Auto Insurance, 3-year LTO Registration, Vkool Tint, at 50% discount sa selected MINI Lifestyle and Accessories. Magpunta sa MINI Global City showroom o tumawag sa (02) 856-7555 para makapag-appointment ng test drive.

***

Kung Uber driver ka, tiyak na meron kang makukuhang exclusive discounts sa mga Prestone pro­ducts na ipinamamahagi sa lahat ng gasolinahan ng SeaOil Philippines sa Metro Manila.

Magpakita lang ng driver app, puwede ka nang makakuha ng mga discounts sa Prestone products hanggang Nobyembre 25.

Ito’y kasunod ng successful launch ng SeaOil-Uber partnership sa discounts sa mga fuel products na kasama sa commitment ng SeaOil na ipahatid ang kanilang high quality at affordable fuels sa mga consumers.