Abante Tonite Interactive

‘Starla’ ni Juday nabantilawan

364

May ilang k­atkatera na may mga tanong at sulat sa inyong diva that you love, hinihingi ang aking opisyal na reaksyon sa pagsali ni Judy Ann Santos sa longest running police drama, ang “FPJ’s Ang Probinsyano.”

Ang nag-iisang Mrs. Ryan Agoncillo sa pangmalakasang primetime show ni Coco Martin, why not Choc nut? Ang mas gusto kong malaman, eh kung ano ang katauhan ni Judy Ann. Police officer rin ba siya? Damsel in distress? Bait-baitan pero kontrabida pala? Makikipaghabulan ba ito?

Bakbakan at bugbugan? May mga baril na ikakasa at papuputukin?

Abogadang may balls? O drama-dramahan?

Super nabantilawan na ang “Starla” na serye ni Juday kaya welcome addition siya sa ever growing “Ang Probinsyano” family.

Ang mas mainam ring obserbahan, ang mga taga-“Sahaya” sa Kamuning network, anong story arc ang ipantatapat sa pagpasok ni Juday?

Claudine ‘di kawalan sa ‘Ang Probinsyano’

Ang isa pang mainam maurirat, ano kaya ang m­agiging reaksyon ni Claudine Barretto sa kaganapang ito. Ang balita kasi dati, pasok na sa banga si Barretto para sa show, kaso, how true na nagmaganda ito?

Ay, parang may pribilehiyo pa siyang magsuplada, huh! Eh has been is written all over her na, huh! Sino pa ba ang mga nananalig na may natitira pang starlight, starbright sa estrella ni Clau-Clau? Hindi ba diminishing star na ang kanyang bituin? Charot! Hahahaha!

Hindi naman kawalan si Claudine at talagang kay Juday nakatadhana na makasama ni direk Rodel Nacianceno kaya ‘yang chikang iyan, huwag na dapat buhayin pa kasi nga ka-cheapan!

At mas lalong huwag na buhayin pa ang Judy Ann versus Claudine Baretto dahil alam na alam na naman kung sino ang nagwagi at kung sino ang hindi pa makatanggap na tapos na at alaala na lamang ang kanyang glory days.

Bagong mhin ni Angelica ‘wag inega

May bagong lalaki na raw si Angelica Panganiban? Porke ba may kasama ang taba-chingching pose in a photo with a lalaki, dapat na ba tayong mag-one plus one equals two na kasintahan na niya ito?

Huwag na nating negahin ang bagong lalaking ito ni Panganiban. She deserves the best. At huwag na ring ipasok pa si Carlo Aquino sa equation kasi maligaya na rin ito sa kanyang karelasyon.

Kung merong dapat magtimbang sa kanyang nararamdaman, walang iba ito kundi si Angelica. Ang kanyang pusong nasugatan ang makakapaghilom ng hapdi at kirot, siyempre pa, bagong inspirasyon, bagong iibigin, bagong lalaki.