Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Starlet inokray si Robin

0 76

Bagamat hindi nakapasok ang bet ni Chie Filomeno na senatoriable ay may patutsada siya kay Robin Padilla.

Aniya sa.kanyang socmed: “Sinayang nyo si Chel… ang daming sinasayang!!! Yun talaga NUMERO UNO niyo?”

Hirit ng mga netizen:”Isa pa to, magsama kayo Andrea B”

“Nako Chie, mag ready ka na sa patama ni Mariel”

“It’s not Chel Vs robin po. Bakit niyo ba pinagiinitan si Robin. Pwede naman yung ibang di deserving na nakapasok din sa top 12?!”

“Hala si never been a star kung makakuda parang ang talino nya.”

Tama naman ang komento ng isang netizen.

“Nakinig ako sa interview ni Robin kasi ayaw ko syang husgahan, ok naman vision nya sana ngayon may chance sya ma put into action”

“Ano naiambag mo sa lipunan? Tell me please.”

“Tapos si Robin ng Criminology. Kuda kayo ng kuda eh.”

Payo naman ng isa, “Better know your consti girl bago ka magkuda. Mag-run ka rin sa congress o senate tapos baguhin mo ang qualification.”

Piolo, Aga, Gabby ‘di pinabayaan si Binoe

Sa mga interview ni Robin ang lagi niyang sinasabi ay wala siyang financial support at makinarya para ma-sustain ang kanyang kandidatura.

Very grateful lang daw siya at andyan ang kanyang mga kaibigan sa UniTeam na sina Jinggoy Estrada at Mark Villar .Pinasasakay siya ng mga ito sa.kanilang nga motorcades at campaign sorties.

Pinasalamatan din ni Robin ang lahat ng mga sumuporta at naniniwala sa kanyang adhikain.

Para sa kaalaman lang ng lahat sina Aga Muhlach, Piolo Pascual at Gabby Concepcion ay ilan lang sa mga celebrities na sumuporta sa kanya. Hindi siya pinabayaan sa kanyang kandidatura.

Leave A Reply

Your email address will not be published.