Abante Tonite Interactive

Starlet nagmaasim sa Kapamilya Christmas station ID

974

Sino itong starlet na ito na nagmaasim dahil hindi niya nagustuhan ang bagong Christmas station ID ng Kapamilya network?

Nagbigay pa siya ng unsolicited opinion na tamad raw na ang gumawa ng matinong tono ang produksyon ng nasabing network.

Dahil sa kanyang pagmamaasim, marami tuloy ang nagsabing bitter daw ang aktres na hindi naman kagandahan dahil kahit nagkaroon siya ng teleserye sa nasabing network ay hindi naman siya pinapansin dahil pang-starlet lang daw ang level nito.

Dati nang nagpakontrobersyal ang ampalaya beauty dahil sa naging walang basehang nitong pagre-react at pagmumura sa isang bagay na nasulat na hindi tungkol sa kanya sa isang kilalang pahayagan. (Archie Liao)

Tonite – Wendys Inhouse Ad