Abante Tonite Interactive

Starlet nandiri sa artistang DDS na sumama sa rally

1,402

Binanatan ng character actress na si Chai Fonacier ang mga Kapamilya celebrities na supporters ni President Rodrigo Duterte na ­sumama sa nakaraang rally ng ­ABS-CBN.

“Kadiri ‘yung mga artistang DDS na nakikirally ngayon sa ABS. Ngayong sapul na rin kayo, Tatay pa rin? I mean sure, okay tayo sa tulungan, trabaho ng marami ang naksalalay dito, pero naglalabas lang ako ng sama ng loob,” ang unang tweet ni Chai.

Pagkatapos nito ay sunod-sunod na ang kanyang tweets at naglabas ng kanyang hinaing, frustrations, sama ng loob, etcetera.

“Ilang beses akong pinagtawanan, joke lang daw, “aY kASi sI cHAi aKTibiSta, eH,” smart shamed and gaslighted to shut up re: things and rights that actually matter. Ngayon, pinaglalaban ko pa rin ang karapatan ng mga tao pero nakakainis lang kasi eh. We were right. ano kayo ngayon?

“Masama ang loob ko, oo. Pero ganito pa rin, ultimately: ipaglaban pa rin dapat ang karapatang manggagawa, ipagpaban ang press freedom, kahit inis ako sa inyo, ­pare-pareho tayo ng mga kara­patang kailangang ipaglaban.

“Pero teh inis talaga ako. Pinagtatawanan kasi ako noon eh. Sinasabihan na masyadong malalim, masyadong seryoso, taga UP daw kaya rebelde, huwag daw mag-ingay dahil nakaka turn off, delikado. o, anong inabot ng ­pagiging tahimik niyo ngayon, teh?! nasapul tayong lahat,” ang sunod-sunod na tweets ni Chai.

Well, ang mga artistang na-mention na sumama sa rally/prayer vigil last ­Friday ay sina Coco ­Martin, Jericho Rosales, Shaine Magdayao, Yassi Pressman, Rowell Santiago, Jaime ­Fabregas, Angel Aquino, John Pratts, Dominic Ochoa, Nikki Valdez, Joel Torre, Jason Gainza and Mark Lapid.

Sa mga artistang ito, ang alam naming supporter ni Pres. Duterte ay si Jason Gainza dahil ­matatandaang isa siya sa celebrities na nasa Malacanang Dinner na ipinatawag ng Pangulo last year para magpasa­lamat sa mga artistang sumuporta sa kanya.

Kaya naman naba-bash na rin ngayon si Jason ­because of this. Pero other than him, ang ibang du­malo naman sa rally ay hindi naman DDS (Duterte’s ­Diehard Supporters).

Ang mga Kapamilya celebrities na kilalang DDS ay sina Mariel ­Rodriguez and husband, Robin ­Padilla, mag-asawang Toni Gonzaga and Paul ­Soriano, Alex Gonzaga, ­Bayani ­Agbayani, Ryan Bang, Vhong Navarro and Jed Madela na siya ring nasa Malacañang Dinner.

Ang alam namin ay DDS din sina Angelica ­Panganiban, Piolo Pascual at Vice Ganda.

Ermat nina Toni, Alex ayaw gayahin si Mommy Divine

Viral ngayon ang video kung saan ay natanong si Mommy Pinty (ina nina Toni and Alex Gonzaga) kung gagawin rin ba nito ang ginawa ng ina ni Sarah Geronimo na si Mommy Divine na pigilan ang kasal ng anak.

Naganap ito sa isang event ni Toni na dinaluhan din of course ni Alex at ni Mommy Pinty.

Sa video ay ­makikitang may nagtanong kay Mommy Pinty kung pipigilan din ba niya ang kasal nina Alex at fiancé na si Mikee Morada.

Sagot ni Mommy Pinty, “maga-advice lang kami. Kasi ano, eh nasa legal age na.”

Sabat naman ni Alex, “hindi naman pinigilan” na ang ibig sabihin ay ang kasal ni Sarah and ­Matteo. Totoo namang hindi ­naman talaga napigilan ni Mommy Divine ang kasal.

Anyway, noon pa ay sina Mommy Pinty and Mommy Divine na ang ­madalas pagkumparahin ng mga tao pagdating sa pagiging stage moms.

Mahigpit din kasi si Mommy Pinty noon sa da­lawa niyang anak ­especially kay Toni at hindi naman lingid din sa kaaalaman ng lahat ang mga pagtutol niya noon sa nakakarela­syon nito.

Pero noon pa ay marami rin naman ang nakakakita na mas mahigpit talaga si Mommy Divine kay Sarah kaysa kay Mommy Pinty kay Toni.

Nag-lie-low na kasi si Mommy Pinty nang tumanda na si Toni at hinayaan na ang anak na magdesisyon although siyempre, nandiyan pa rin siya for guidance.

Komento nga ng isang netizen na nabasa namin, “bigla kong minahal si Mami Pinty nila Toni, strict yet understandable and considerate. I can imagine the strong side of Sarah G coming up to a decision of her civil wedding without informing her mom, all ­because of love.”