Abante Tonite Interactive

Starmall-Villar inambunan ni Alan ng Phisgoc fund

433

Umani ng negatibong reaksyon mula sa mga netizen ang impormasyon na gagamitin ang Starmall sa branch nito sa EDSA-Mandaluyong para pagdausan ng tenpin bowling event ng 30th Southeast Asian Games 2019.

Sa Twitter, inilabas ng mga netizen ang kanilang panggagalaiti nang malaman ito.

Ayon kay Steuart, @Stewart___O, “Bowling sa Starmall EDSA? International event ba ito or company sports fest? Juskolord. Jusko.” Dagdag niya, “Pati Starmall pinatos. Food catering c/o The Coffee Project ba? Hahaha.” Hirik ni Mina Palencia, @minapalencia, “Starmall EDSA? E mas maliwalas pa yung sa Megamall dun. LOL.”

Natatawang komento ni altermace, @altermaceMD, “T**na ang jeje! And also imagine the traffic!Kakahiya us!”

‘Di makapaniwala ang netizen na si not shine, @esbranc, na mayroong bowling center ang mall, biro nito, “Akala ko bilyaran lang… u know bilyar…eme!”

Ilan din ang mga nakapuna sa nangya­ring pagbibigay-pondo ng Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee (Phisgoc) na pinamumunuan ni House Speaker Alan ­Peter Cayetano, sa pamilya ng negosyante at Sen. Cynthia Villar.

Sabi ni Charles Vergara, @malyari, “d*p*ta. starmall venue ng bowling. tiba tiba ang villar a.”

Habang si a.k.a.ong, @insatiableblue, “exactly! kelangan ma-ambonan ang mga villar.” (Angelique Fiedalan)