Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Starpay dikdikin sa binurong ayuda

0 68

Pinasisimulan na ni Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate sa liderato ng Kamara angim­bestigasyon kaugnay sa maanomalyangpamamahagi ng ayuda ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa ilalim ng social amelioration program (SAP).

Partikular na kinalampag ng solon ang House Committees on Good Government and Public Accountability at on Public Accounts nakung saan hiniling itong simulan na angpagdinig sa inihaing House Resolution 2146 ng Makabayan bloc noong Agosto.

Iginit ni Zarate na mahalaga umanongmalaman kung bakit naging mabagal angpamama­hagi nito bukod sa kailangan din malaman kung pinagkakakitaan na naman itomatapos malaman na ito’y inaward sa isangkahina-hinalang kompan­ya na Starpay.

Nauna nang kinuwestiyon ni Senador Manny Pacquiao ang transaksiyon ng DSWD saStarpay, isang hindi kilalang e-wallet service na kinuha ng DSWD para sa pamamahagi ng P50 bilyong Social Amelioration Program (SAP) gayong nasaP62,000 lamang umano ang paid capital ng nasabing e-wallet service.

Sabi ni Pacquiao, nakakuha ang Starpay ng linsensiya para makapag-operate bilangElectronic Money Issuer (EMI) noong 2018.

“Noong 2019, nagdeklarang pagkalugi itong Starpay tapos pagdatingng 2020, nakakuha sila ng more than P50 billion na galing sa gobyerno, paano?” aniPacquiao.

Magugunitang, muling isinailalim saenhanced community quarantine (ECQ) ang Metro Manila noong Agosto ngunit nataposumano ang pamamahagi makalipas lamang angdalawang buwan.

“Are these funds deposited in private banks and used to gather interests? Hindi maaaring babagal-bagal sa pamamahagi ng ayuda sa mga naghihirap nating kababayandahil buhay at kamatayan para sa kanila angnakataya dito at ‘di dapatpinagkakakitaan,” giit ni Zarate. (EralynPrado/Billy Begas/Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.