Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Starpay sinagot paratang sa ayuda

0 144

Naglabas ng pahayag ang Starpay Corporation para linisin at ituwid ang mga alegasyon laban sa kompanya kaugnay sa isyu ng pamimigay ng ayuda ng gobyerno ngayong pandemya na idinaan sa kanila.

Ayon sa Starpay, bilang isang licensed electronic money issuer (EMI) ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), ay nakatuon ang kompanya sa financial integrity at dumaan sa masusing pagsusuri bago nakapag-operate.

Mali umano ang sinabi ni Senador Manny Pacquiao sa press conference nito na ang capital ng Starpay ay P62,000 lamang at maaari naman itong maberipika sa Securities and Exchange Commission (SEC).

SM food to go Banner Ad

“The required capitalization to apply for an EMI license is P100 million, which we complied with in 2017 as a prerequisite by the BSP for any EMI license application,” sabi ng Starpay.

Nilinaw din ng Starpay na ni-liquidate na nila ang pondong binigay sa kanila at ni-refund na rin ang pera na hindi pa nakukuha ng ibang benepisyaryo sa pamamagitan ng ilang tseke na inisyu sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) na umaabot sa P8.239 bilyon.

Kaugnay umano sa maraming nagrereklamo, sinabi ng Starpay na base sa kanilang rekord ay nasa 1,615 ang complaint o 0.03% lang ng kabuuang benepisyaryong napagsilbihan nila subalit naresolba na rin lahat ito.

Leave A Reply

Your email address will not be published.