Abante Tonite Interactive

State of calamity ideklara sa El Niño – Tolentino

By
0 135

TONITE ELEKSYON 2019
Hinimok ni administration senatorial bet Francis Tolentino ang gobyerno na maagang magdeklara ng state of national calamity dahil sa nakaambang El Niño phenomenon na mararanasan sa ilang bahagi ng bansa.

Kasunod na rin ito ng dumaraming bilang ng mga lalawigan na nagpapasaklolo na sa pamahalaan para matugunan ang epekto ng tagtuyot sa kanilang lugar.

Nagbabala ang dating alkalde ng Tagaytay City na siguradong malaki ang magiging epekto ng mahabang tagtuyot sa agrikultura at mga pangisdaan at maaaring malagay sa panganib ang seguridad sa pagkain ng bansa.

“Nothing is more alarming than decreasing food and water supply and increasing risks to public health,” ayon kay Tolentino.

Una nang ibinabala ng dating trouble shooter ng administrasyong Duterte na maaaring magdulot ng pagtaas sa presyo ng mga bilihin ang mahabang tagtuyot dahil maaapektuhan nito ang local supply ng mga bilihin.

Tiyak din aniya na maaapektuhan ng El Niño ang suplay sa tubig ng bansa na mahalaga pa naman para sa mga agricultural product.

Binigyang-diin ni Tolentino na sa pamamagitan ng maagang pagdedeklara ng state of national calamity ay mapapabilis ang delivery ng mga kinakailangang tulong at serbisyo para sa mga lugar na tinamaan ng tagtuyot.