Abante Tonite
Mabilis sa Balita

State of calamity sa coronavirus, 1 taon pa

0 78

Pinalawig ni Pangulong Rodrigo Duterte ang state of calamity sa buong bansa dahil sa patuloy na pag-atake ng COVID-19 sa mga Pilipino.

Batay sa Proclamation No. 1218 na pinirmahan ng Pangulo nitong Sabado, Setyembre 10, 2021, pinalawig pa ng hanggang Setyembre 12, 2022 ang state of calamity sa buong bansa.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Matatandaang unang dineklara ang state of calamity dahil sa COVID noong Marso 16, 2022 na hanggang anim na buwan lamang. Subalit noong Setyembre 16, 2020 ay pinalawig ito hanggang Setyembre 12, 2021.

Dahil sa patuloy na pagtaas ng mga kaso ng COVID infection sa bansa at pagdami ng mga namamatay ay nagpasya ang Malacañang na muling palawigin ang state of calamity hanggang sa susunod na taon. (Aileen Taliping/Prince Golez)

Leave A Reply

Your email address will not be published.