Abante Tonite Interactive

State of calamity sa Marikina, 6 probinsiya

By
1,659

*Marikina
*Bataan (Dinalupihan, Balanga City)
*Cavite
*Tarlac (La Paz)
*Pangasinan (Dagupan City, Calasiao, Santa Barbara, San Carlos, Bugallon, *Mangatarem, Bani at Lingayen)
*Nueva Ecija (Licab)

Nagdeklara na ng state of calamity ang Marikina City at ilang karatig probinsiya at lalawigan, bunsod ng patuloy na pagtaas ng baha dulot ng walang tigil na ulan na dala ni bagyong ‘Josie’ na nagpalakas din sa hanging habagat.

Anim na probinsiya pa ang nagdeklara ng state of calamity bunsod nang pagragasa ng mataas na baha dulot ng walang tigil na ulan.

Isinailalim sa state of calamity ang Dinalupihan at Balanga City sa Bataan.

Suspendido na rin ang klase sa lahat ng antas maging ang pasok sa mga government office.

Habang sinusulat ang balitang ito, lubog sa baha ang Hermosa, Orani, Samal, Abucay, Pilar, Orion at Mariveles.
Binaha rin nang bahag­ya ang Morong, Bagac, at Limay. Wala na ring suplay ng kuryente sa buong probinsiya.

Idineklara na rin ang state of calamity sa Cavite. Ayon kay Go­vernor Boying Remulla, halos lahat ng coastal town ng probinsiya ay nalubog sa baha.

Sa Bacoor at Imus, umabot sa halos 2 metro ang baha, habang hanggang dibdib sa Noveleta. Hanggang tuhod naman ang tubig sa Cavite City, Naic, Tanza at Rosario.

Sa Tarlac, nasa state of calamity din ang ba­yan ng Las Paz.

Ilang bayan sa Pangasinan ang isinailaim sa state of calamity kabilang ang Dagupan City, Calasiao, Santa Barbara, San Carlos, Bugallon, Mangatarem, Bani at Lingayen.

Isinailalim na rin sa state of calamity ang bayan ng Licab, Nueva Ecija.

Samantala, inaasahan ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) na lalabas na sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyong ‘Josie’ hanggang ngayong umaga, at habang papalabas ng bansa ay patuloy nitong hahatakin ang hanging habagat na magdudulot ng kalat-kalat hanggang sa malakas na pag-uulan.

Samantala isa pang low pressure area (LPA) na malapit sa bansa ang namataan ng weather bureau. Kasalukuyan umano itong mino-mo­nitor kung papasok sa PAR at kung posibleng maging bagyo, bagama’t sa kasalukuyan ay wala pa itong direktang ­epekto sa bansa. (