Abante Tonite Interactive

Stay healthy this Christmas season

0 60

Tiyak na kaliwa’t kanan ang Christmas parties na pinupuntahan mo. Sa bawat pagtitipon, hindi si­yempre nawawala ang mga masasarap na handa gaya ng lechon at iba pang mamantikang putahe.

Pero teka muna, hinay-hinay lang sa pagkain. Ayon sa medical experts, food exces­ses can lead to digestive troubles gaya ng indigestion at gastroeso­phageal reflux.

Para maiwasan ito, dapat moderate lang ang food intake. Sikaping kumain nang dahan-dahan dahil 20 minutes ang binubuno ng ating utak bago maiparamdam na busog na tayo.

Imbes na karne, punuin ang inyong plato ng gulay. Ugaliin ding uminom ng maraming tubig – malaki ang maitutulong nito sa mabilis na pagtunaw ng iyong kinain.

Manatiling active. Hindi dapat isantabi ang physical activities kahit pa on a holiday break ka. Mas importante ngang pagpawisan ka sa panahong mas marami kang food intake. Halimbawa, kung tatlong beses kada linggo ka tumatakbo – gawin mo itong apat ngayong Christmas season.

Limitahan ang pag-inom ng alak. Ayon sa mga pag-aaral, women should limit their alcohol consumption to 2 glasses a day and men to 3. Huwag daw araw-arawin at gawing tubig ang alak dahil masama ito sa kalusugan.

Sa mga reunion, madalas ang handshakes, hugs at kisses.

Hindi ito maiiwasan lalo na kung matagal kayong hindi nagkita ng iyong pamilya, kaanak o kaibigan. Ang dapat gawin, ugaliing maghugas ng mga kamay para maiwasan ang pagkalat ng infections.

Uso pa naman ang ubo’t sipon ngayong malamig ang panahon.

Alamin din ang tama at wastong food handling and preparation.

Madalas ang insidente ng food poisoning kapag Christmas season.

Tiyaking malinis ang kusina pati ang mga kasangkapang gagamitin sa pagluluto para makasigurong ligtas sa mikrobyo ang pagkain.

Huwag ding ma-stress sa sunod-sunod na parties. Kung hindi na kaya ng katawan, matutong tumanggi sa imbitasyon.

Take time for yourself. Either you treat yourself to a massage or take an evening walk. Mainam din kung makikinig ka ng relaxing music.

Ang sa akin lang, mas masaya at makabuluhan ang pagdiriwang ng Pasko kung mananatili tayong fit and healthy.